Hernani, Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 43 kilometers northeast ng bayan ng Hernani, 4:02 ng hapon ng Martes, May 7.
May lalim na 16 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV
– Hernani, Eastern Samar
Intensity III
– Maydolong, Gen. MacArthur, at Quinapondan, Eastern Samar
Intensity II
– Borongan City, Can-avid, Giporlos, Balangiga, Lawaan, Sulat, at Arteche, Eastern Samar; at sa Dulag, Leyte
Intensity I
– Babatngon, San Miguel at Jaro, Leyte (DDC)