Pinakamalaki at pinakamalakas na tug boat sa mundo, dadaong sa Manila South Harbor
Inaasahang dadaong sa Manila South Harbor ang may hawak ng Guinness World Records bilang pinakamalaki at pinakamalakas na tug boat sa buong mundo na kilala sa tawag na “FOTIY KRYLOV”.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), darating sa bansa ang tug boat mula ika-10 hanggang ika-12 ng Mayo ngayong taon.
Bilang paghahanda sa pagdating ng “FOTIY KRYLOV”, nagsagawa ng Pre-Arrival Meeting ang PPA sa pangunguna ng Port Management Office (PMO) NCR-South.
Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa mga ahensya ng gobyerno kabilang ang Bureau of Quarantine (BOQ) at Philippine Coast Guard (PCG), gayundin ang Asian Terminals, Inc. (ATI), Manila Bay Harbor Pilot Partnership, Parsh Marine Marine Philippines, Inc. at mga service providers’.
Sa pulong ay tinalakay ang mga probisyon at pangangailangang serbisyo ng barko habang ito ay nakadaong sa pantalan ng Manila South Harbor.
Ang “Fotiy Krylov” ay hango sa pangalan ni Fotiy Ivanovich Krylov, pinuno ng EPRON at Emergency Rescue Directorate ng USSR Navy noong 1932 – 1943.
Ito ay isang Offshore Rescue Tug na nasa ilalim ng Russian Federation na inilunsad noong 1989. (DDC)