Pangulong Marcos handang sertipikahang urgent bill ang Rice Tariffication Law

Pangulong Marcos handang sertipikahang urgent bill ang Rice Tariffication Law

Handa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sertipikahang urgent bill ang panukalang amyendahan ang Rice Tariffication Law.

Matatandaang si House Speaker Martin Romualdez ang nagsulong na amyendahan ang RTL.

Umaasa si Romualdez na bababa ang presyo ng bigas kung papayagan ulit ang National Food Authority na bumili ng palay sa mga magsasaka at direktang ibenta sa mga consumers.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang problema sa ngayon ay patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas dahil nagkakaroon ng kompetensya ang mga rice trader at nagpapataasan kanilang presyo.

Ayon sa pangulo, kung magkakaroon ng amendments sa NFA charter at Rice Tariffication Law ay makokontrol ng gobyerno ang presyo presyuhan ng bigas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *