Accomplishments ng administrasyon dahil sa pagkakaroon ng “unity” at “engaging approach” ibinida ni Pangulong Marcos

Accomplishments ng administrasyon dahil sa pagkakaroon ng “unity” at “engaging approach” ibinida ni Pangulong Marcos

Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang maraming accomplishment ng administrasyon sa pamamagitan ng pagkakaroonn unity, open at engaging approach.

Sa oathtaking ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sinabi pangulo na sa maikling panahon at marami ng nagawa at naumpisahan ang administrasyon.

“Now, if you look at it, we have not yet been in office for two years but in that small time, napakarami na nating nagawa, napakarami na nating naumpisahan,” ayon sa pangulo.

Isa sa mga dahilan nito ayon sa pangulo ay ang pagkakaisa sa pamahalaan.

“And the reason is that because we have been working together, we have been following the same plan, we have come together, nakipag-ugnayan tayo; ‘Ano bang problema doon sa inyong region, sa iyong probinsya, sa iyong bayan,’ at pinakinggan natin silang lahat hindi lamang ‘yung mga political leader, kung di pati na ang taong bayan, at makinig tayo.” dagdag ng pangulo.

Kasabay nito ay nanawagan ang pangulo sa PFP na patuloy na palakasin ng partido.

Umaasa din ang pangulo na susuportahan ng publiko ang PFP sa eleksyon sa susunod na taon.

“maliwanag na maliwanag na ang taong-bayan dito sa Pilipinas ay talagang sinasabi maganda itong ginagawa natin na sabay-sabay tayong tumutulong.” ayon sa pangulo.

Maliban sa pagsusulong ng ekonomiya, sabay ding isinusulong pamahalaan ng soberanya bansa.

Ang PFP ay itinatag noong 2018, at si Pangulong Marcos ang kasalukuyang chairman nito.

Ang PFP, Lakas-CMD, Hugpong ng Pagbabago (HNP), at Partido ng Masang Pilipino (PMP), at iba pang guest candidates mula sa ibang partido ang bumuo sa UniTeam Alliance noong 2022 national polls. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *