Simeon Raz nasa Bilibid na, Deniece Cornejo dinala sa Correctional

Simeon Raz nasa Bilibid na, Deniece Cornejo dinala sa Correctional

Kknumpirma ngayong araw May 3 ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na si Simeon Raz ay nasa Reception and Diagnostic Center na ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City habang nasa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City si Deniece Cornejo .

Sina Raz at Cornejo, kasama ang business executive na si Cedric Lee at Ferdinand Guerrero ay pawang nahatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo ng Taguig City Regional Trial Court dahil guilty sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng actor-host actor Vhong Navarro.

Sinabi ni Catapang na hinihintay pa ng BuCor ang commitment order para kay Lee na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) kagabi (May 2).

Kapag natanggap ang naturang kautusan ng korte, ang bagong PDL ay tatanggapin sa Reception and Diagnostic Center para sa inisyal na interbyu at check-up.

Pagakatapos nito ay ilalagay ang bagong PDL sa Quarantine Cell sa loob ng limang araw ng walang pribilehiyo ng pagbisita na susundan ng diagnostic procedure na kinabibilangan ng medical, sociological, psychological, educational at classification process para sa 55 na araw.

“Since we are no longer allowed to accept any more PDLs at the NBP and with the on-going decongestion program being implemented, I have ordered NBP Supt., C/CINSP Roger Boncales, to determine where they will be committed, just like any other newly committed PDLs,” paliwanag ni Catapang.

Samantala, inanunsyo rin ang paglaya ng 805 pang PDLs mula sa iba’t ibang prisons and penal farms nitong nakaraang buwan ng Abril.

Ayon kay Catapang na sa nasabing bilang, 548 rito ang napagsilbihan na ang kanilang hatol o napaso na ang maximum na sentensiya,161 ang nabigyan ng parole, 67 ang napawalang sala sa korte, 28 ang napagkalooban ng probation, at isa naman ang nakalaya dahil sa habeas corpus.

Aniya sa mga lumaya, 42 rito ang galing ng Davao Prison and Penal Farm, 131 sa Iwahig Prison and Penal Farm, 39 sa Leyte Regional Prison, 148 sa New Bilibid Prison (NBP) Maximum Security Compound, 204 sa NBP Medium Security Compound, 46 sa NBP Minimum Compound, 17 sa Reception and Diagnostic Center, 51 sa Sablayan Prison and Penal Farm at 65 naman ang buhat sa San Ramon Prison and Penal Farm. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *