Malakanyang nakiisa sa paggunita ng World Press Freedom Day

Malakanyang nakiisa sa paggunita ng World Press Freedom Day

Tiniyak ng Presidential Communications Office (PCO) na suportado nito ang pagsusulong ng malayang pamamahayag sa bansa.

Ito ang inihayag ng PCO bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day araw ng Biyernes, Mayo 3.

Binigyang-diin ng PCO ang kahalagahan ng kalayaan sa pamamahayag at ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga media workers sa lipunan.

Sa gitna ng patuloy na mga hamon at banta sa seguridad ng mga mamamahayag, nanawagan ang PCO sa lahat ng sektor ng lipunan na magkaisa upang siguruhing ligtas at mapayapa ang kapaligiran para sa mga media workers.

Kasabay nito, tiniyak din ng ahensya ang pagsusulong ng mga hakbang at polisiya na naglalayong mapangalagaan at palakasin ang kalayaan sa pamamahayag sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *