Mga hukom inatasang magsagawa ng Jail Visitation para tignan ang epekto ng heat wave sa mga PDL

Mga hukom inatasang magsagawa ng Jail Visitation para tignan ang epekto ng heat wave sa mga PDL

Inatasan ng Korte Suprema ang mga hukom na magsagawa ng Jail Visitation para tignan ang epekto ng heat wave sa mga persons deprived of liberty o PDLs.

Batay sa Court Administrator Circular No. 131-2024, ang mga hukom ay pinabibisira sa mga bilangguan na sakop ng kanilang hurisdiksyon.

Kailangan itong gawin bago mag-May 31, 2024.

Inatasan din ang mga hukom na magsumite ng Court Jail Visitation and Inspection Report sa kanilang mga Executive Judges.

Nais ng SC na matukoy ang epekto sa PDLs ng nararanasang matinding init ng panahon lalo na sa mga crowded na jail facilities. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *