100 caregiver mabibigyan ng trabaho sa South Korea

100 caregiver mabibigyan ng trabaho sa South Korea

Inilunsad ng Department of ang Pilot Project na layong mag-recruit ng 100 caregivers sa ilalim ng Employment Permit System (EPS) sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

Layon ng proyekto na palawigin pa ang bilateral labor ties sa pagitan ng dalawang bansa at pag-aralan ang posibilidad na mas palawakin ang caregiver deployment plan.

Makikinabang sa proyekto ang mga Korean families na nangangailangan ng tagapag-alaga sa kanilang mga anak, mga may buntis sa pamilya, single parents, o mga dual-income couples.

Magbubukas din ito ng job opportunities sa mga kwalipikadong caregivers mula Pilipinas.

Ang mga kuuhaning caregivers ay dapat pasado sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), mayroong NC II Caregiving Certificate at dapat nasa edad 24 hanggang 38 taon.

Ang mga aplikante ay sasailalim sa komprehensibong medical, psychological, language, at physical tests.

Tatanggap din sila ng pre-departure at post-arrival training sessions.

Magsisimula ang registration sa May 9 hanggang May 10, 2024. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *