BRP Bagacay nagtamo ng pinsala matapos bombahin ng water canon ng barko ng China
Iniutos ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan ang pagsasagawa ng damage assessment sa 44-meter multi-role response vessel na BRP Bagacay.
Ito ay matapos na gamitan ito ng water canon ng barko ng China habang patungo sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS) noong Apr. 30, 2024.
Ayon sa National Task Force for the WPS (NTF-WPS), hinarass, hinarang, binangga at binomba ng water cannon ng China Coast Guard (CCG) at Chinese Maritime Militia (CMM) vessels ang barko ng PCG at BFAR habang nagsasagawa ng humanitarian mission sa mga mangingisdang Pinoy.
Kinumpirma ni CG Rear Admiral Armando Balilo na nagtamo ng oinsala sa main area ang BRP Bagacay.
Sinabi ni Balilo na isinailalim din sa check-up ang mga crew ng BRP Bagacay. (DDC)