Halos 600 batang mag-aaral tumanggap ng libreng oral polio vax sa Las Piñas

Halos 600 batang mag-aaral tumanggap ng libreng oral polio vax sa Las Piñas

Matagumpay ang isinagawang oral polio vaccination drive ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas para sa halos 600 na batang mag-aaral, kamakailan.

Sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, at sa pangangasiwa ng City Health Office ay naging maingat at maayos ang pamamahagi ng libreng oral polio vaccines para sa 250 na daycare students na ginanap sa TS Cruz Covered Court sa Barangay Almanza Dos sa lungsod.

Sinundan ito ng oral polio vax drive naman para sa karagdagang 300 na batang mag-aaral na isinagawa sa Saint Joseph Subdivision Covered Court sa Barangay Pulanglupa Dos.

Peronal na binantayan ni Vice Mayor April Aguilar ang dalawang araw na pamamahagi ng libreng bakuna para sa mga batang mag-aaral sa nasabing lugar.

Pinuri ng bise-alkalde ang ibinuhos na pagod at panahon ng health workers ng lokal na pamahalaan maging ang masiglang pakikilahok ng komunidad sa naturang programa upang tutukan ang kaligtasan ng mga bata kontra polio at bigyang-diin ang kahalagahan sa mobilisasyon ng kalusugan sa pamayanan.

Ang vax drive ay parte ng patuloy na mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang panatilihing polio-free ang estado ng rehiyon kasunod ng pandaigdigang alituntunin ukol sa pagpigil sa naturang sakit.

Nagpasalamat ang mga magulang at guardians sa maagap na mga hakbang ng Las Piñas City Government upang siguruhin ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga anak. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *