6 na lugar sa bansa positibo sa nakalalasong red tide
Positibo sa nakalalasong red tide ang mga shellfish mula sa mga baybaying dagat ng anim na lugar sa bansa.
Ayon sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) hindi ligtas para sa human consumption ang mga shelfish na makukuha mula sa baybayin ng sumusunod na mga lugar:
– Milagros, Masbate
– Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
– San Pedro Bay, Samar
– Matarinao Bay, Eastern Samar
– Dumanquillas Bay, Zamboanga del Sur
– San Benito, Suriago del Norte
Ayon sa BFAR ang Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide sa nasabing mga lugar ay lagpas sa regulatory limit.
Dahil dito, hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish mula sa nabanggit na mga lugar kabilang ang alamang.
Nananatili namang ligtas kainin ang mga isda, pusit, hip at alminago na makukuha mula sa nasabing mga baybaying dagat. (DDC)