Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang KALINISAN sa Bagong Pilipinas Clean-Up Drive sa Arratelis Open Court, Barangay BF International kamakailan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni DILG Secretary Atty. Benhur Abalos Jr. at dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan kabilang si Vice Mayor April Aguilar.

Bahagi ang clean-up drive sa pinalawak na KALINISAN o “Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan” program na naglalayong mapabuti ang malusog at ligtas na kapaligiran sa pamamagitan ng mga hakbang pangkomunidad.

Nakatuon ang inisyatiba sa pagsasama-sama ng lahat sa lipunan upang mapreserba ang kalikasan sa pamamagitan ng bayanihan na tradisyunal na kaugalian ng mga Pilipino na target paangatin ang kamalayan ng publiko patungkol sa pangangalaga ng kalikasan at himukin ang local government units na mamuhunan sa solid waste management at sustainable ecological practices.

Kabilang sa mga aktibidad ang serye ng paglilinis sa komunidad gaya ng pangongolekta ng mga basura, pagpapaganda ng mga pampublikong lugar at planting activity sa urban garden.

Sa pagtuon sa pakikilahok at responsibilidad sa komunidad, nais ng KALINISAN program na maturuan tayong gawin ang ating tungkulin sa pagpapanatili ng kalinisan at balanseng kapaligiran.

Ito ay mas malaking hakbang ng panghihikayat sa iba pang lokalidad na gayahin ang kaparehong mga gawi at maging ambag ng pambansang pagkilos para sa mas malinis at luntiang Pilipinas. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *