SSS magsasagawa ng nationwide operation sa mga establisyimento na hindi nagbabayad ng SSS contribution ng kanilang empleyado
Magkakasa ng nationwide operation ang Social Security System (SSS) sa mga establisyimento sa bansa na hindi nagbabayad ng SSS contribution ng kanilang mga empleyado.
Ayon sa SSS, bahagi ito ng kanilang hakbang para protektahan ang mga manggagawang Pinoy kasabay ng paggunita sa Labor Day.
Sinabi ni SSS Executive Vice President for Branch Operations Sector Voltaire P. Agas, mag-iisyu ang SSS ng violation notices sa mga delinquent employers sa buong bansa sa isasagawang sabayang Run After Contribution Evaders (RACE) operation.
Ang aktibidad ayon kay Agas ay may temang “Alay ng SSS para sa mga Manggagawa – Serbisyong Mapagkakatiwalaan at Proteksyong Maaasahan.”
Sinabi ni Agas sinisiguro nila sa mga miyembro na ang SSS ay gumagawa ng aksyon pra para mapanagot ang mga employer na hindi inirerehistro sa ahensya ang mga empleyado.
Tiniyak ni Agas na ginagawa ng SSS ang lahat para masiguro na ang mga Pinoy na nasa labor force ay may access sa social security benefits lalo na sa panahon ng emergency.
Ang mga manggagawa na miyembro ng SSS ay entitled sa social security benefits gaya ng sickness, maternity, disability, unemployment, retirement, funeral, at death benefits. (DDC)