Pang. Marcos may babala sa mga nagbabalak manggulo sa eleksyon sa BARMM

Pang. Marcos may babala sa mga nagbabalak manggulo sa eleksyon sa BARMM

Binalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga nagbabalak na manggulo sa eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na gobyerno ang makakalaban.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa 10th anniversary ng signing ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro 1st Marine Brigade headquarters sa Barira, Maguindanao del Norte, tiniyak nito na magiging mapayapa at maayos ang eleksyon sa BARMM.

“As your President, I reassure that you will have an honest, orderly, and credible conduct of the electoral process,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Let this also serve as a warning to those who may plan to threaten and derail this upcoming election, huwag nyo nang isipin ‘yan dahil ang kakalabanin na ninyo ay ang pamahalaan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Panawagan pa ni Pangulong Marcos sa mga residente sa BARMM, gamitin ang kapangyarihan na bomoto.

“I urge you, safeguard those rights, empower yourselves, take part in our shared task of nation-building,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Hindi lamang ako umaasa na malinis at payapa ang halalang ito, pero higit sa lahat, ang bawat kandidato ay tangan ang prinsipyo ng Bangsamoro— ang Bangsamoro Muna Bago Sarili. At titindig sa adhikain na Better Bangsa Moro,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pangako ni Pangulong Marcos, gagamitin niya ang kanyang malakas na political will para masiguro na magiging maayos ang halalan.

Matatandaang nakatakda sana noong Mayo 2022 ang unang eleksyon sa BARMM pero ipinagpaliban ito dahil sa pandemya sa COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *