Yellow Alert iiral sa Luzon Grid ngayong araw
Muling iiral ang yellow alert ngayong araw (Apr. 29) sa Luzon Grid.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), manipis pa rin ang reserba ng kuryente sa Luzon.
Mayroong available capacity na 14,902MW habang ang peak demand ay papalo sa 13,823MW.
Dahil dito, paiiralin ang yellow alert sa mga sumusunod na oras:
3:00PM-5:00PM
8:00PM-11:00PM