Kalusugan at kapakanan ng kabataan sa Las Piñas tinututukan

Kalusugan at kapakanan ng kabataan sa Las Piñas tinututukan

Kalusugan at kapakanan ng kabataan sa Las Piñas tinututukan

Tinututukan ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang kalusugan ang kapakanan ng kabataang Las Pineros.

Mahigit sa 200 na kabataan ang lumahok sa unang sesyon ng “Healthy Young Ones” activity na ginanap sa Robinsons Mall, isang health at wellness initiative na nakatuon sa pagtuturo ng kaalaman sa kanila patungkol sa reproductive at sexual health.

Ito ay inisyatiba nina Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar sa pakikipagtulungan ng City Health Office na pinamumunuan ni Dr. Juliana Gonzalez.

Layunin nitong mapangalagaan ang kamalayan at responsibilidad ng kabataan partikular sa kasarian, seksuwalidad, reproduction at pag-iwas sa HIV at sexually transmitted infections.

Ang ganitong mahalagang sesyon ay parte ng mas malawak na inisyatiba na humihikayat ng pagpili sa malusog na uri ng pamumuhay ng mamamayan lalo na ng kabataan at iiwas sila sa masamang pag-uugali kabilang na ang paggamit ng ilegal na droga.

Maganda ang naging pagtanggap ng naturang programa na nagpapakita sa pangako ng komunidad na pagyamanin na mayroong lubos na kaalaman at responsableng mamamayan.

Lumahok sa aktibidad ang mga sektor ng pamahalaan kabilang ang City Social Welfare and Development, Department of Education, Sangguniang Kabataan, Local Youth Development Office, Social Hygiene Clinic, at Dental Health Unit na nagbigay-diin sa hakbang ng pagtutulungan.

Naging mahalaga ang papel at kontribusyon din ng mga pribadong sektor mula sa The Challenge Initiative (TCI), Rotary Club Las Piñas, at Robinsons Place-Las Piñas na sumuporta sa lokal na pamahalaan sa pangitain nitong mas malusog na kinabukasan ng mga kabataan.

Patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagpaprayoridad sa edukasyong pangkalusugan na sumisiguro sa kabataang residente na may kaalaman at kakayahan na kanilang kailangan tungo sa malusog at produktibong buhay. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *