Serbisyo ng mga COS at JO workers sa gobyerno pinalawig ni Pang. Marcos

Serbisyo ng mga COS at JO workers sa gobyerno pinalawig ni Pang. Marcos

Pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pananatili sa serbisyo ng mga contract of service at job order workers sa gobyerno.

Nakatakdang mapaso ang kontrata ng nasabing mga manggagawa sa Dec. 31, 2024.

Pero ayon sa Presidential Communications Office (PCO), pinalawig ito ng pangulo hanggang Dec. 31, 2025.

Base na rin ito sa naging kautusan ni Pangulong Marcos matapos matalakay ang probisyon sa implementasyon ng COA -DBM Circular No. 2 na may pamagat na Updated Rules and Regulations Governing COS and JO workers in Government.

Ayon sa pangulo, layunin ng hakbang na makalikha ng pool of government workers na kayang gawin ang trabaho sa pamahalaan at sa huli ay maging qualified para sa plantilla positions.

Iniutos din ni Pangulong Marcos na magsagawa ng training para matulungan ang mga COS at JO workers na makapasa sa civil service examination.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos matapos ang sectoral meeting sa Palasyo kasama ang Department of Budget and Management (DBM), Department of Interior and Local Government (DILG), Civil Service Commission at Commission on Audit.

Base sa talaan noong Hunyo 30, 2023, 29.68 percent o 832,812 ng government workforce ay mga COS at JO workers, na mas mataas ng 29.71-percent kumpara noong 2022. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *