DOT nakapagtala na ng mahigit 2 million international visitors ngayong buwan ng Abril
Umabot na sa mahigit 2 milyon na ang bumisita sa bansa ngayong buwan ng Abril ayon sa datos ng Department of Tourism (DOT).
Ayon sa DOT, simula January 1 hanggang March 31, 2024 nakalikom na ang bansa ng P157.62 billion mula sa mga bumisitang turista.
Sa datos ng ahensya, hanggang noong Miyerkules, April 24, kabuuang 2,010,522 international visitors ang dumating sa bansa.
Sa nasabing bilang, 94.21 percent o 1,894,076 ng total international arrivals sa bansa ay pawang
foreign tourists, habang 5.79 percent o 116,446 ay overseas Filipinos.
Mas mataas na ito ng 15.11 percent kumpara sa international arrivals na naitala sa parehong petsa noong nakaraang taon na 1,746,630.
Nananatiling ang South Korea ang top source market ng Pilipinas pagdating sa inbound visitor arrivals na nakapagtala ng 546,726; kasunod ang United States – 315,816; China – 130,574; Japan – 123,204; at Australia – 88,048 (4.38 percent).
Nasa top 10 din ng pinakamaraming international visitors na dumating sa bansa ang mga galing ng Canada, Taiwan, United Kingdom, Singapore, at Germany. (DDC)