Maitum, Sarangani niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Sarangani.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 92 kilometers southwest ng bayan ng Maitum, 5:17 ng umaga ng Huwebes, Apr. 25.
May lalim na 523 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng naturang lindol. (DDC)