Cagayan Gov. Manuel Mamba muling pinatawan ng disqualification ng Comelec; posisyon bilang gobernador idineklara ng bakante
Ipinadedeklara ng bakante ng Commmission on Elections (Comelec) ang posisyon bilang gobernador sa lalawigan ng Cagayan.
Kasunod ito ng muling pagdiskwalipika ng Comelec kay Cagayan Governor Manuel Mamba sa nagdaang 2022 National and Local Elections.
Sa desisyon na inilabas ng Comelec 1st Division, araw ng Miyerkules, Apr. 24, napatunayang lumabag si Mamba sa Comelec Resolution No. 10747 na nagbabawal sa pag-release, pag-disburse, paggasta ng public funds sa pagitan ng March 25, 2022 hanggang May 8, 2022 habang umiiral ang ban.
Sa nasabing kautusan, idineklara ng bakante ang posisyon ng gobernador sa Cagayan at otomatiko na aakto bilang gobernador ang Vice Governor. (DDC)