Pregnancy rate ng mga kalabaw maaaring maapektuhan dahil sa init ng
Pinayuhan ng Department of Agriculture (DA) ang mga may alagang kalabaw na gumawa ng mga hakbang para maiwasang maapektuhan ang kanilang mga alaga ng matinding init ng panahon.
Ayon sa Philippine Carabao Center ng DA, apektado din ng El NiƱo ang mga kalabaw.
Partikular na epekto ng init ng panahon ang pagbaba ng performance ng kanilang reproductive traits o mababang conception at pregnancy rate dahil sa heat stress.
Maaari din silang mawalan ng ganang kumain at maaaring tumaas ang posibilidad na magkaroon sila ng sakit.
Bababa din ang dami at kalidad ng gatas na makukuha sa kanila.
Para maiwasan ang ganitong mga epekto sa alagang kalabaw, pinayuhan ng DA ang mga nag-aalaga na gumawa ng mga epektibong hakbang.
Kabilang dito ang paglalagay ng cooling system gaya ng misting fan, cooling fan, cooling pads at iba pa.
Painumin ng sapat na tubig ang mga kalabaw.
Gawin ang pagpapastol sa pagitan ng 4:00PM hanggang 9:00AM.
Hayaang magpahinga ang mga hayop sa malilim na lugar lalo na sa kasagsagan ng init ng panahon. (DDC)