Konstruksyon ng PDEA Academy sa Tanay, Rizal sisimulan na
Sisimulan na ang konstruksyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Academy sa Tanay, Rizal.
Isinagawa ang Ground Breaking Ceremony na pinangunahan ni PDEA Dir. General Usec. Morio Virgilio Lazo at Rizal Police Provincial Dir. Pol. Col. Felipe Maraggun.
Itatayo ang PDEA Academy sa 11-hectare na lupain sa Sitio Tablon, Brgy. Cuyambay.
Layon ng proyekto na mas palawigin pa ang pwersa ng PDEA at mapagbuti ang mga training facility nito.
Naglalan ng P1.56 billion na pondo para sa itatayong PDEA Academy. (DDC)