DepEd itinanggi ang report na may 2 guro na pumanaw dahil sa heat stroke habang nagkaklase
Itinanggi ng Department of Education ang ulat na mayroong dalawang guro sa Iloilo ang nasawi dahil sa heat stroke habang nagka-klase.
Sa pahay ng DepEd, misleading ulat ng XFM Radyo Patrol Iloilo na nagsasabing heat stroke ang ikinasawi ng 2 guro.
Batay sa pahayag ng School Division Office na nakakasakop sa lugar, walang guro na nasawi sa heat stroke.
Sa opisyal na rekord, isang guro sa Sta. Barbara ang pumanaw noong Feb. 2024 dahil sa Hypertensive Cardiovascular Disease.
Habang mayroong isa pa ang pumanaw noong March 2024 dahil sa Aneurysm.
Hindi rin totoong nasa eskwelahan sila ng pumanaw ayon sa DepEd.
Ikinabahala ng DepEd ang pag-sensationalize ng media sa pagkasawi ng dalawang guro sa halip na maglabas ng factual report.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang DepEd sa mga naulila ng dalawang nasawing guro. (DDC)