Problema sa suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro hinahanapan na ng solusyon ng gobyerno
May ginagawa ng solusyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para matugunan ang problema sa suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro.
Sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Occidental Mindoro, sinabi nito na may itinatayo ng submarine cable sa lugar para maikonekta ang Mindoro sa Grid.
Una rito, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nasa Red at Yellow Alert ang ilang lugar sa bansa dahil sa mataas na demand ng kuryente.
Pero ayon kay Pangulong Marcos, unti-unti nang maaayos ang problema.
Pinakamabilis aniya na solusyon sa suplay ng kuryente ang paggamit ng solar.
Kasama din aniya sa pinag-aaralan na long-term solution ang wind, hydro, at geo. (DDC)