Ruta ng EDSA Bus Carousel palalawakin pa ng pamahalaan
Para masolusyunan ang matinding bigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila, palalawakin pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ruta ng EDSA Bus Carousel.
Ayon kay Pangulong Marcos, isang hakbang lamang ito sa holistic approach ng gobyerno sa pagtugon sa problema sa traffic.
Ayon kay Pangulong Marcos, babaguhin din ang mga istasyon ng biyahe sa Pasig River.
Bukod dito, sinabi ng pangulo na magtatayo rin ng mga tulay sa Pasig River.
“To reduce Metro Manila traffic, we will expand and extend EDSA Bus Carousel routes, refurbish Pasig River stations, and build bridges across the Pasig River,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“We will prioritize active transportation facilities including safe walkways and secured bike lanes to promote healthier and more sustainable modes of travel,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Matatandaang dumalo sa traffic summit si Pangulong Marcos sa San Juan kamakailan para ilatag ang mga solusyon sa problema sa trapik.
Pinakinggan din ng pangulo ang hinaing ng mga nasa transport sector. (DDC)