Las Piñas Sanggunian nagsagawa ng 79th regular session
Tinugunan ng Las Piñas City Council sa pamumuno ni Vice Mayor April Aguilar ang komprehensibong mga mungkahi o panukala na nakadisenyo sa pagsasaayos ng imprastruktura sa komunidad at suportang mga serbisyo sa idinaos na ika-79 na regular na sesyon nitong Abril 22.
Itinampok sa sesyon ang talakayan sa mga bagong plano sa budgets para sa ilang barangay upang siguruhin ang tinatarget na kaunlaran at alokasyon ng pagkukunang yaman sa susunod na taon.
Nagsagawa rin ang Sangguniang Panlungsod ng ebalwasyon sa mga proyektong pangkaunlaran at mga kontrata ng serbisyo na layuning mapagbuti ang kaligtasan ng mamamayan at pamamahala sa kalikasan o kapaligiran.
Ikinonsidera sa sesyon ang pagpapagaan sa mga hakbang pampinansiyal para sa lokal na negosyo na nagbibigay-diin sa pagtutuon ng konseho sa suporta at matatag na ekonomiya.
Ang deliberasyon ay sumasalamin sa nagpapatuloy na pangako ng lokal na pamahalaan sa mas ligtas, lalong matatag at maayos na ekonomiya sa komunidad. (Bhelle Gamboa)