OFW na nasugatan dulot ng sinkhole sa Dubai, tinutulungan ng MWO-OWWA
Nagpahayag ng buong suporta at pangakong patuloy na pagtulong ang Migrant Workers Office – Overseas Workers Welfare Administration (MWO-OWWA) Dubai Post sa proseso ng paggaling at rehabilitasyon ng isa nating kababayang overseas Filipino worker (OFW) na aksidenteng nasugatan sa insidente ng sinkhole at maging sa kanyang pamilya sa Pilipinas.
Ito ay matapos bisitahin nitong Abril 19 ng MWO-OWWA Dubai Post sa pangunguna ni Welfare Officer Melvin Caseda ang OFW na kinilalang si Cambalon na kasalukuyang nagpapagamot sa isang ospital sa Al Barsha pagkatapos ng isang aksidente na dulot ng sinkhole na nabuo dahil sa lakas ng ulan.
Ayon sa ulat ng ating Overseas Post, nasa ICU si Cambalon at stable na ang kaniyang kondisyon.
Gayunpaman, kailangan pa niya ng operasyon dahil sa multiple fractures na nakuha niya dahil sa aksidente. (Bhelle Gamboa)