Tatlong miyembro ng sindikato ng ‘fixers’ sa BIR naaresto; nakapangikil na ng mahigit P3.6M
Nahulog na sa kamay ng mga otoridad ang tatlong miyembro ng sindikato ng ‘fixers’ na nambibiktima ng mga mayroong transaksyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ayon kay Commissioner Romeo D. Lumagui, ang mga suspek ay nagpapakilalang mayroong kuneksyon sa mga BIR official.
Sinabi ni Lumagui na umabot na sa P3.6 million ang halaga na nakulimbat ng mga suspek sa kanilang mga nabiktima.
Nameke rin sila ng mga pirma ng iba’t-ibang BIR officials na kanilang ginamit sa pag-proseso sa mga transaksyon.
Ang suspek na si Chrsitopher Leo Maala ay ipinagharap ng reklamong Estafa; si Kyle Dean Tabayocyoc ay inireklamo ng Estafa at paglabag sa RA 10591; at habang ang isa pang suspek na si Lioric Amiel Cervantes ay sinampahan ng reklamong Estafa at Falsification of Private Documents.
Paalala ng BIR sa publiko, huwag makikipag-ugnayan sa mga nagpapakilalang “fixers” para sa obligasyon sa buwis.
Ugaliin din na suriin ang pagkakilanlan ng mga kausap tungkol sa buwis o sa mga transaksyon sa BIR. (DDC)