DMW inalerto ang mga tanggapan nito sa Taiwan kasunod ng naitalang dalawang malakas na pagyanig

DMW inalerto ang mga tanggapan nito sa Taiwan kasunod ng naitalang dalawang malakas na pagyanig

Inalerto ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tanggapan nito sa Tauwan kasunod ng dalawang malakas na pagyanig na naranasan doon.

Ayon sa datos ng US Geological Survey, naitala ang magnitude 6 at magnitude 6.3 na lindol sa Taiwan madaling araw ng Martes (Apr. 23).

Dahil dito, inalerto ng DMW ang Migrant WOrkers Offices (MWO) sa Taiwan.

Base sa inisyal na report mula sa Filipino Communities sa Hualien County, wala namang napaulat ng Pinoy na nasaktan dahil sa tumamang lindol.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng MWO sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) para malaman ang kondisyon ng iba pang OFWs sa lugar na naapektuhan ng lindol. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *