DOH nakapagtala ng 34 na kaso ng heat-related illness
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 34 na heat-related illnesses sa bansa.
Sa datos ng DOH, ang 34 na kaso ng heat-related illness ay naitala mula Jan. 1 hanggang Apr. 18, 2024.
Ang mga kaso ay mula sa Central Visayas, Ilocos Region at Soccsksargen.
Ayon pa sa datos, sa 34 na kaso, 6 ang nasawi. Bineberipika pa ng kagawaran kung ano ang dahilan ng kanilang pagkasawi.
Noong nakaraang taon, nakapagtala ang DOH ng kabuuang 513 na kaso ng heat-related illness. (DDC)