Qatari Amir Sheikh Tamim bin Hamad Al-Thani bumisita sa bansa

Qatari Amir Sheikh Tamim bin Hamad Al-Thani bumisita sa bansa

Bumisita sa bansa si Qatari Amir Sheikh Tamim bin Hamad Al-Thani.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na bumisita sa bansa ang Amir dahil nagkaroon na rin ito ng state visit sa Pilipinas ay noong 2012.

Una nang sinabi ni Philippine ambassador to Qatar Lillibeth Pono na ang high-level state visit na ito ni Al-Thani ay patunay ng maayos na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa at nagpapatibay ng kanilang mutual commitment upang mas paigtingin ang kanilang matatag na ugnayan.

Siyam na kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Qatar.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nangyari ang signing kasunod ng bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Al-Thani.

Kabilang sa mga nilagdaan ang kasunduan na may kinalaman sa waiver ng visa requirements para sa mga holders ng diplomatic at special o official passports, kooperasyon sa field of sports, field of youth at paglaban sa human trafficking.

Nagkasundo rin ang dalawang bansa para sa technical cooperation at capacity-building sa usapin ng climate change, tourism and business events, at mutual recognition ng seafarers’ certificates.

Lumagda rin sa isang MOU o Memorandum of Understanding ang Philippines Chamber of Commerce and Industry at Qatar Chamber of Commerce and Industry habang pumirma rin sa isang trade agreement ang Davao City Chamber of Commerce at grupo ng mga negosyante sa nasabing bansa.

Sa panig ni Qatari Amir, nagpasalamat ito kay Pangulong Marcos sa mainit na pagtanggap sa Palasyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *