Condom dispenser ipinamahagi sa mga barangay sa Quezon City
Pinangunahan ng Quezon City Health Department ang pamamahagi ng libre at accessible na condom dispenser sa apat na magkakaibang barangay sa lungsod.
Layon nitong ihatid ang iba-ibang libreng HIV awareness and prevention programs ng lokal na pamahalaan sa komunidad bilang bahagi ng kampanyang #QCZeroAt2030.
Maliban sa libreng HIV testing, STI testing at PrEP sa lungsod, nais din ng pamahalaang lungosd na maging accessible at convenient ang prevention measures kagaya ng condom para sa ligtas na pakikipagtalik.
Ang condom use ay bahagi ng HIV Prevention. (DDC)