CICC nagbabala sa publiko kaugnay sa “Rewards Scam”
Binigyang babala ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko sa pagkalat ng rewards scam gamit ang pangalan ng Globe Telecom .
Ayon sa CICC, ang nasabing scam ay layong nakawin ang personal at bank details ng mga biktima nito.
Partikular na pinag-iingat ni CICC Executive Director Alexander K. Ramos sa domain na globeeph.top na tumatarget sa mga publiko sa pamamagitan ng SMS.
Sa ipinapadalang mensahe, sinasabing kailangan ng i-redeem ang globe points dahil mae-expire na ito.
Pagkatapos ay magbibigay ng link kung saan maaaring mai-redeem ang points,
Sa sandaling mabuksan ang link, hihingin na ang personal details at bank account number ng biktima.
Paalala ng CICC sa publiko, iwasan ang pag-click ng mga unverified links para hindi mabiktima ng scam. (DDC)