Pang. Marcos iniutos ang mas madaling proseso ng pag-aangkat ng agri products
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture na gumawa ng mga hakbang para mas mapadali ang pag-aangkat ng agricultural products.
Ito ay para matugunan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ayon sa pangulo, kung magiging mas madali ang proseso ng pag-aangkat ay matitiyak ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain.
Pinaaalis din ni Pangulong Marcos ang non-tariff barriers sa mga produktong pang-agrikultura.
Sa kautusan ng pangulo, binigyang direktiba din ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Finance (DOF) na pagaananin ang mga requirement sa pag-iisyu ng lisensya sa mga importer at pabilisin ang processing time sa application for importation. (DDC)