P680K shabu nakumpiska, 2 suspek timbog sa Muntinlupa City

P680K shabu nakumpiska, 2 suspek timbog sa Muntinlupa City

Pinuri ni National Capital Region Police Office, Regional Director, Major General Jose Melencio Nartatez Jr. ang Muntinlupa City Police Station, Southern Police District sa matagumpay na anti-illegal drug buy-bust operation na nagresulta ng pagkakumpiska ng 100 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P680,000 at pagkaaresto ng dalawang suspek.

Kinilala ang mga suspek na sina Joehar Sangki y Salilaguia, alyas Datu Tokie, 33-anyos; at Elenor Panes y Elisan, 41-anyos.

Dakong alas-5:43 ng madaling araw ng April 20, isinagawa ng otoridad ang operasyon sa Posadas Avenue, Brgy. Sucat, Muntinlupa City.

Agad dinala ang mga suspek at ang narekober na ebidensiya sa himpilan ng pulisya.

Inihahanda na ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawang suspek.

“The success of this buy-bust operation is a testament to our relentless commitment to public safety. In line with this, I applaud the outstanding efforts of our personnel, whose diligent work led to the apprehension of the suspects. We will remain steadfast in our approach to combat all forms of criminality and illegal drugs in the region,” sabi ni MGen Nartatez. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *