Laki ng itlog apektado din ng El Niño

Laki ng itlog apektado din ng El Niño

APEKTADO rin ng napakainit na panahon na dala ng El Niño phenomenon ang produksyon ng itlog sa bansa, ayon sa Philippine Egg Board Association.

Sinabi ni Egg Board President Francis Uyehura na dahil sa matinding init ng panahon ay nabawasan ang gana sa pagkain ng mga manok.

Nagreresulta ito ng mas kaunti at mas maliliit na itlog.

Aniya, lahat ng farm producers ay nakararanas na ng mga problema na dala ng sobrang init ng panahon.
Inihayag din ni Uyehura na tumaas ang chicken mortality bunsod ng napakainit na panahon na pinaka-ramdam sa hilagang bahagi ng bansa. (Ricky Brozas)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *