Inflation, sweldo, murang pagkain at mas maraming trabaho, pinakamahahalagang isyu na dapat tutukan ng administrasyon ayon sa OCTA Reseach

Inflation, sweldo, murang pagkain at mas maraming trabaho, pinakamahahalagang isyu na dapat tutukan ng administrasyon ayon sa OCTA Reseach

Mayorya ng mga Pinoy ang nagsabing ang Inflation ang pinaka-importanteng isyu na dapat agad aksyunan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang lumitaw sa isinagawang “Urgent National Cocerns” survey ng OCTA Research mula March 11 hanggang 14, 2024.

Sa naturang survey, 66 percent ng mga Pinoy ang nagsabing dapat pag-kontrol sa mataas na presyo ng bilihin at serbisyo ang maituturing na Top Urgent National Concers.

Pumangalawa ang “pagtaas ng sweldo ng mga manggagawa” at “access sa murang pagkain” na kapwa mayroong 44 percent.

Habang nakakuha ng 33 percent ang “paglikha ng mas maraming trabaho”.

May mga sumagot din na maituturing bilang urgent national concerns ang pagpapababa sa kahirapan, libreng de-kalidad na edukasyon, paglaban sa korapsyon, peace and rder, at iba pa.

Sa ginawang survey, hiningi ang opinyon ng mga respondent kung ano ang sa tingin nila ang tatlong pinaka-importanteng isyu na dapat aksyunan agad ng administrasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *