Red Alert at Yellow Alert muling iiral sa Luzon Grid
Muling sasailalim sa Yellow at Red Alert ang Luzon Grid ngayong araw ng Biyernes, April 16.
Ito ay dahil sa manipis na reserba sa kuryente.
Ayon sa NGCP, mayroong available capacity na 13,594MW habang ang peak demand ay 13, 127MW.
Iiral ang Red at Yellow Alert sa mga sumusunod na oras:
Red Alert
3:00PM to 4:00PM
6:00PM to 10:00PM
Yellow Alert
12:00NN to 3:00PM
4:00PM to 6:00PM
10:00PM to 11:00PM
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), 19 na power plants ang nagkaroon ng forced outage, habang may 3 planta na bagaman tumatakbo ay nasa derated capacities lamang. (DDC)