1,000 bedridden senior citizens sa Taguig inayudahan
Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig, sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ng mahahalagang tulong para sa 1,000 na bedridden senior citizens sa buong lungsod kasama na ang mga nasa EMBO barangays.
Ang bawat benepisyaryo ay tatanggap ng package na naglalaman ng 1 kilo ng adult milk, 1 kilo ng chocolate drink,
1 kilo ng oatmeal, 5 kilos ng bigas at isang health kit na binubuo ng toothpaste, toothbrush, bath soap, alcohol, shampoo, at towel
Siniguro ng City Social Welfare and Development Office at ng Taguig Association of Senior Citizens ang maayos na pamamahagi ng assistance habang nagbijigay ng karagdagang suporta para sa mga benepisyaryonv nakatatanda.
Samantala, isang team ng mga doktor at nars mula sa City Health Office ang nagsagawa ng komprehensibong medical check-ups at assessments sa panahon ng pamamahagi.
Nag-isyu rin ang team ng reseta at gamoy upabg isulong ang pangangalagabg pangkalusugan at gamutan. (Bhelle Gamboa)