P218M na halaga ng shabu nakumpiska sa parcels na galing Zimbabwe

P218M na halaga ng shabu nakumpiska sa parcels na galing Zimbabwe

Inaresto ng operatiba ng NAIA PDEA-IADITG ang babaeng claimant ng apat na parcel na naglalaman ng 32.13 na kilo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P218,484,000 na nagmula pa sa Zimbabwe, sa isang warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) complex.

Hawak na ng otoridad ang babaeng claimant na kinilalang si Christine Tigranes matapos nitong kunin at tanggapin ang mga parcel o package na may nakasilid ang bulto-bultong hinihinalang ilegal na droga.

Nadiskubre ng Bureau of customs at NAIA-PDEA ang laman ng mga parcel na deklaradong machinery muffler nang dumaan sa x-ray machine at physical examination kung saan nakalagay sa loob ng makapal na bakal o machinery parts ang umano’y kilo-kilong shabu.

Depensa ng suspek inutusan lang umano siya ng kanyang boss para kunin ang naturang parcel mula Zimbabwe, Africa.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang otoridad sa nasabing kaso upang matukoy ang mga nasa likod ng tangkang pagpupuslit ng ilegal na droga sa bansa.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang posibleng kakaharapin ng nabanggit na claimant. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *