Las Piñas LGU nagturn-over ng bagong emergency vehicle para sa PWDs

Las Piñas LGU nagturn-over ng bagong emergency vehicle para sa PWDs

Nagkaloob ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ng bagong emergency van para tugunan ang pangangailangan ng mga Las Piñerong may kapansanan o Persons With Disabilities (PWDs).

Pinangunahan ni Vice Mayor April Aguilar ang turn-over ceremony ng Accessible Transportation Mobile Service for Passengers with Mobility Concern o A- TraMS, isang emergency vehicle na nakadisenyo sa pangangailangan ng PWDs, bilang tulong sa Las Piñas Persons with Disability Federation Inc. (LPPWDI), sa ginanap na lingguhang seremonya ng pagtataas ng watawat ng bansa sa bisinidad ng city hall nitong Lunes.

Suporta ito ng lokal na pamahalaan para sa transportasyon ng PWDs ng lungsod partikular sa panahon ng emergency o sakuna para sa mas mabilis na pagdadala sa kanila sa pagamutan.

Sinabi ni Vice Mayor Aguilar na ito ang kauna-unahang PWD vehicle hindi lamang sa Metro Manila kundi sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng naturang emergency van ay makatutulong ito sa PWDs na maka-access ng iba’t ibang mga serbisyo mula sa lokal na pamahalaan.

Inihayag pa ng bise-alkalde na pagbibigay ito ng pantay na mga oportunidad at respeto sa mga residenteng may kapansanan at tinutulungan silang manumbalik ang kanilang kumpiyansa sa sarili at mahalagang kabahagi sa lipunan.

“Ako po ay laging nakahandang umalalay at magbigay ng suporta sa lahat ng mga kababayan naming may kapansan dito sa Las Piñas,” sabi ni VM Aguilar.

Ang okasyon ay dinaluhan ng mga opisyal ng lokal ng pamahalaan at department heads upang bigyang-diin ang mga hakbang ng administrasyon na mapabuti ang antas ng pamumuhay ng lahat ng residente partikular ang mga nahaharap sa suliranin ng mobilidad. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *