Red alert iiral sa Luzon Grid ngayong araw (Apr.16) dahil sa manipis na reserba sa kuryente

Red alert iiral sa Luzon Grid ngayong araw (Apr.16) dahil sa manipis na reserba sa kuryente

Iiral ang Red at Yellow alert sa Luzon Grid ngayong araw (Apr. 16) dahil sa kakulangan sa reserba sa kuryente.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mayroong available na capacity na 13,537MW sa Luzon Grid, habang ang peak demand ay 13,024MW.

Ang dahilan ng karampot na reserba sa kuryente ay ang forced outage ng 19 na power plants, habang mayroon pang 3 planta ang tumatakbo sa derated capacities nito.

Dahil dito ayon sa NGCP, iiral ang Red alert sa Luzon Grid mula 2PM hanggang 4PM at 6PM hanggang 9PM.

Habang iiral naman ang Yellow alert mula 1PM hanggang 2PM, 4PM hanggang 6PM at 9PM hanggang 11PM. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *