Surigao del Norte niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Norte.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 16 kilometers northeast ng bayan ng General Luna, 8:53 ng umaga ng Martes, Apr. 16.
May lalim na 19 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing lindol.
Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks at pinsala. (DDC)