Repair sa isinarang bahagi ng Sales Road dahil sa sinkhole, matatapos sa Miyerkules ng hapon

Repair sa isinarang bahagi ng Sales Road dahil sa sinkhole, matatapos sa Miyerkules ng hapon

Sa Miyerkules (Apr. 17) pa ng hapon mabubuksan sa mga motorista ang isinarang bahagi ng Sales Road sa Pasay City dahil sa natuklasang sinkhole.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ginawang inspeksyon ng mga tauhan ng Maynilad, ang sinkhole na nakita sa Sales Road sa bahagi ng Villamor Airbase ay dahil sa water leak mula sa tubo ng Maynilad.

Iniutos ni DPWH-NCR Regional Director Loreta M. Malaluan ang pagde-deploy ng kanilang team para tumulong at mag-monitor sa pagsasaayos ng kalsada.

Inumpisahan ang repair noong Lunes (Apr. 15).

Ayon sa DPWH, inaasahang matatapos sa Miyerkules, Apr. 17 ang repair, at mabubuksan muli sa daloy ng traffic ang apektadong kalsada alas 4:00 ng hapon sa nasabing petsa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *