3 bangka huli sa ilegal na pangingisda sa karagatang sakop ng Eastern Visayas
Tatlong bangka ang nahuli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa karagatang sakkop ng Eastern Visayas dahil sa ilegal na pangingisda.
Nagsasagawa ng maritime patrol ang PCG at BFAR sa bahagi ng Libucan Island, Tarangnan Samar, Maripipi Island, at Bool, Biliran nang mamataan ang mga bangka.
Dalawa sa tatlong motorbancas ay nakitang gumagamit ng Danish Seine o kilala din sa tawag na “hulbot-hulbot.”
Ang ikatlong motorbanca, na nahuli sa Tarangnan, Samar ay inisyuhan naman ng Certificate of Orderly Inspection.
Agad ding pinalaya ang may-ari ng bangka at crew nito matapos makapagsumite ng legal documents.
Habang ang dalawang motorbancas na gumamit ng “hulbot-hulbot” ay dinala sa BFAR Region 8 para sa proper disposition at sa pagsasampa ng karampatang reklamo. (DDC)