Inter-Agency Task Force Monitoring Team maagang nag-convene para

Inter-Agency Task Force Monitoring Team maagang nag-convene para

Maagang nagpatawag ng pulong ang Inter-Agency Task Force Monitoring Team para bantayan ang mga lansangan na maaaring maapektuhan ng tigil-pasada.

Pinangunahan nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Procopio Lipana, Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas, at Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Victor Nuñez ang pagtutok sa lagay ng mga lansangan sa Metro Manila ngayong unang araw ng tigil-pasada na kinasa ng grupong Manibela at PISTON.

Naka-standby ang 362 rescue vehicle units mula sa MMDA, mga iba’t- ibang ahensiya, at lokal na pamahalaan para sa mga mananakay na maaapektuhan ng transport strike.

Ang mga traffic enforcers naman ay inatasan na umasiste sa daloy ng trapiko at mamahala sa crowd control sa mga lugar na pagdarausan ng kilos protesta.

Ang tigil-pasada ng PISTON at MANIBELA ay bilang pagtutol sa PUV Modernization Program ng pamahalaan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *