DepEd naglabas ng gabay sa alternatibong uniporme na maaaring isuot ng mga guro ngayong mainit ang panahon

DepEd naglabas ng gabay sa alternatibong uniporme na maaaring isuot ng mga guro ngayong mainit ang panahon

Naglabas ng gabay ang Department of Education (DepEd) para sa alternatibong uniporme na maaaring isuot ng kanilang mga kawani ngayong matindi ang init ng panahon.

Dahil sa mainit na panahon na nararanasan sa bansa, pinapayagan ang lahat ng DepEd teaching at non-teaching personnel na magsuot ng alternatibong uniporme.

Para sa mga guro at mga non-teaching personnel, maaaring isuot ang collared DepEd polo shirt na ginamit sa nagdaang events at activities gaya ng Brigada Eskwela, Palarong Pambansa, Oplan Balik Eskwela at iba pa.

Maaari ding gamitin bilang alternate uniform ang kulay puti na collared polo shirt na may DepEd at MATATAG logo.

Ayon sa DepEd ang nasabing mga polo ay maaaring ternohan ng matte black pants na puwedeng slacks, jeans, o cargo pants.

Bawal namang gumamit ng leggings, tights, at jogging pants. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *