WALANG PASOK: Klase sa mga paaralan sa Marikina City suspendido sa Apr. 16
Suspendido ang klase sa sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Marikina City sa Apr. 16 bilang paggunita sa Marikina Day.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, iiral ang special working holiday sa nasabing lungsod kaya tuloy naman ang pasok sa trabaho.
Hinikayat ni Teodoro ang mga residente na makiisa sa selebrasyon.
Ito ay bilang pag-alala aniya sa mayamang kasaysayan at kultura ng lungsod. (DDC)