Mahigit 700 senior citizens sa Pagsanghan, Samar natanggap na ang kanilang social pension mula DSWD

Mahigit 700 senior citizens sa Pagsanghan, Samar natanggap na ang kanilang social pension mula DSWD

Naipamahagi na sa mga lolo at lolang benepisyaryo ng Social Pension Program sa bayan ng Pangsanghan, sa Samar ang kanilang mga stipend.

Mahigit 700 na benepisyaryo sa bayan ang tumanggap na ng kanilang P1,000 na stipend kada buwan o katumbas ng kabuuang halagang P6,000 para sa unang semestre ng taon.
Sa kabuuan ay umabot sa mahigit P4.2 million ang pondong naipamahagi ng DSWD Region 8 sa pamamagitan ng Transfer of Fund (ToF) Modality sa nasabing munisipalidad.

Ang payout ay ginawa ng DSWD sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Pagsanghan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *