Bilang ng mga unemployed na Pinoy bumaba noong Pebrero
Bumaba ang bilang ng mga unemployed na Pinoy base sa resulta ng latest Labor Force Survey ng Philippines Statistics Authority (PSA).
Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang bilang ng jobless persons ay 1.80 million noong Pebrero na mas mababa kumpara sa 2.15 million noong Enero.
Ito na ang pinakamababang bilang ng unemployed na mga Pinoy simula noong Disyembre ng nakaraang taon.
Sa 50.75 million na Pinoy na nasa Labor Force, naitala ng PSA ang 3.5 percent unemployment rate noong Pebrero o mas mababa sa 4.5 percent noong Enero.
Tumaas naman sa 48.95 million ang bilang ng mga employed individuals noong Pebrero kumpara sa 45.94 million noong Enero. (DDC)